Miyerkules, Agosto 29, 2012

Mga Indibidwal na Mensahe sa MMVA, Blg. 16-20


16. Mula kay Emma Garcia ng Pasig

"Matatag na nagkakaisa at naninindigan upang makamit ang karapatan na makapwesto at makapagserbisyo sa masa sa pamamagitan ng mas murang bilihing abot-kaya ng lahat.

Patuloy na magpalawak at mag-organisa. Mabuhay ang ika-10 taong anibersaryo ng Metro Manila Vendors Alliance."

17. Mula kay Tita Portia ng PLM-Taguig chapter

"Sila ang mga taong gustong maghanapbuhay para sa kanilang pangunahing pangangailangan, katulad ng pagpapaaral sa mga anak, para makakain ng tatlong beses sa maghapon. Mas mura sa kanila ang kanilang mga paninda dahil wala silang binabayaran na pwesto kaya dapat tangkilikin ang kanilang mga paninda.

Sa MMVA, mabuhay ang ika-10 anibersaryo. Nawa'y patuloy ang inyong pakikibaka para sa karapatan nyo."

18. Mula kay Glenn D. Mendina ng GPNAI, Catmon, Malabon

"Ako ay vendor sa mata ng publiko, pasaway o pasikip sa daanan ng tao. Pero sa isip ko, makatulong sa kapwa sa mura at abot kaya sa bulsa ng nakararami.

Ako bilang hindi vendor, ang masasabi, panatilihing malinis ang mga pagkain o anung bagay-bagay na ikasisira ng kapwa natin."

19. Mula kay Dex ng Piglas-Kabataan (PK), Malabon

"Ako bilang isang kabataan na bumibili ng mga tinitinda ng vendor. Lubos na nakakatipid bukod sa mura na ang tinitinda nila. Nakatawad pa bukod sa mura na, tipid pa. Sila ang mga vendors, ang hanapbuhay ay pagtitinda sa kalsada, dugo at pawis ang puhunan ng manggagawang vendor, bukod pa sa pangmasa ng kanilang paninda ay ibinebenta pa ng mura.

Bilang ambag sa mga nagtitinda ay ipagpatuloy ang pagtitinda ng mga vendor sa mga murang paninda at tipid sa masa."

20. Mula kay Dennis ng Parola

"Mabuhay ang MMVA! Tuloy ang laban!"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento