Biyernes, Agosto 24, 2012

Mga Indibidwal na Mensahe sa MMVA, Blg. 11-15


Mga Indibidwal na Mensahe sa MMVA, Blg. 11-15 

11. Mula kay Teody Navea ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

"Sa mga bansang tulad ng Pilipinas na isang mahirap na bansa, ang mga manininda ay may mahalagang lokasyon sa ekonomiya ng lipunan. Ang kawalan ng gobyerno ng kakayahang magkaloob ng regular na hanapbuhay kung kaya't dumarami sila na mga mala-manggagawang pinagkaitan ng oportunidad sa lipunan. Ang panininda ay isang marangal na hanapbuhay na marapat bigyan ng karampatang proteksyon ng ating gobyerno. Hindi sila dapat ituring na mga peste sa mga lugar na pinagtitindahan. Ang trato sa kanila ng mga iba't ibang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ay dapat iwasto. Ilagay sa tama ang pagtrato sa kanil. Kumprehensibong paglutas sa mga problemang kanilang nararanasan sa pagtitinda. Ang paglalaan ng lugar ng kanilang paninda, pagbibigay ng lehitimong karapatan upang matutukan ng gobyerno ang tamang pagsasaayos at pagtitiyak ng lugar sa kanilang mga paninda.

Ang MMVA ay manguna upang tuluyang mabigyang kalutasan ang mga problema ng manininda at maging boses nila para maipagtanggol ang kanilang mga karapatan at kagalingan.

Isang dekada na ang MMVA at panahon na upang bigyang pansin ang isang saray ng uring manggagawa na may malinaw na papel sa pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa."

12. Mula kay Lino ng KPML / ZOTO, taga-Dagat-Dagatan, Caloocan

"Ang pagiging vendor ay isang masipag na tao, nag-aangkat ng paninda at saka ibinibenta. Kaya halos wala nang panahon sa mga ibang mga mapaglibangan, isang hanapbuhay na mala-manggagawa na nagsisikap mabuhay para sa pamilya.

Masasabi ko sa MMVA ay ipagpatuloy ang pag-oorganisa at paglaban para sa kanilang karapatan. Naghahanapbuhay ang isang vendor na minsan ay hinaharas, tinataboy, hinuhuli, at dinidemolis, na sila'y naghahanapbuhay ng marangal para sa kanilang pamilya. 

Isang mainit at mapulang pagbati sa ika-10 anibersaryo ng MMVA!"

13. Mula kay Josie Orioke ng Sanlakas, taga-Payatas, Quezon City

"Para sa akin, ang isang vendor ay napakahirap na hanapbuhay sa lahat ng mga sektor. Nandiyan lahat ang dapat danasan bilang manggagawa dahil nahaharas sila sa mga pag-aabuso sa ating batas at sa mga mayaman nga mamimili. Dumanas din sila sa pag-alipusta at mura. Yon po ang aking masasabi bilang isang vendor at suporta sa kanila.

14. Mula kay Joy Canon ng KPML-NCRR, mula sa Navotas

"Mabuti at meron ng organisasyon ang mga vendor. Meron na magtatanggol sa kanilang mga karapatan. Kasi ang vendor kahit naghahanap ng marangal, pag gustong hulihin ng mga pulis para pagkakitaan ay kanilang huhulihin. Ipagpatuloy lang ninyo iyang organisasyon ninyo. Kaisa ninyo ako sa inyong mga adhikain at adbokasya."

15. Mula kay Fe Dela Cruz ng PLM-Bulacan

"Ang mga kapatid na vendors ay mga taong nagsisikap mabuhay sa malinis na paraan. Sila itong nakikipagpatintero sa daan o nakikipwesto sa harap ng malalaking malls at palengke at sa MM ay nakikipaghabulan sa MMDA. Malinis na hanapbuhay ngunit kapos para makapagbigay ng disenteng buhay sa bawat pamilya. Dahil dito, napakahalaga ng pagkakaroon ng isang organisasyong tulad ng MMVA na siyang nagbubuklod sa interes ng mga vendors at nagtitiyak na patuloy na isusulong ang pagrespeto sa karapatan ng mga kapatid na vendors at ipaglalaban ang pag-angat ng kabuhayan ng bawat vendors at pamilya nito.

Mabuhay ang MMVA! Ipagpatuloy ang 10 taon ng pagkakatayo ng MMVA. Ipagpatuloy ang laban hanggang sa makamit ang tagumpay!"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento