Lunes, Hulyo 28, 2025

Polyeto sa SONA 2025

SA IKAAPAT NA SONA NI BBM

WAKASAN ang "BULOK na Pilipinas'
ITAKWIL ang REHIMENG MARCOS JR.

Ikaapat na SONA ni BBM sa darating na Hulyo 28, 2025. Tatlong taon na rin bigo ang mga pangako ng 'BAGONG PILIPINAS'. Mahigit dalawang taon na lang ang nalalabi sa rehimeng BBM at ni isang larawan ng pagbabago ay wala pang nalalasap ang masang Pilipino.

Hindi lang bigo ang rehimeng BBM sa kanyang pangako kundi 'BULOK na Pilipinas' ang hatid nito na panunungkulan sa...

'Bulok na Pilipinas' dahil mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at batayang serbisyo habang patuloy na barat at hindi sapat ang sahod ng mga manggagawang Pilipino. Aabot sa 2% ang inflation rate ng bansa, tumataas ng 2% ang presyo ng lahat ng mga batayang pangangailangan sa bansa. Tampok ang presyo ng bigas na nananatiling P41/kilo. Pati ang presyo ng gulay, isda, karne, maging presyo ng kuryente, krudo at tubig ay patuloy sa pagsirit. Habang ang sahod sa kabila ng barya-baryang umento ay hindi kayang makabawi man lang sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang kasalukuyang minimum wage sa NCR na P695 ay may P681 lang na tunay na halaga.

'Bulok na Pilipinas' dahil patuloy ang paglaki ng kakulangan sa pondo ng bayan. Ngayong unang 5-buwan ng 2025, umabot na sa hp523.9 Bilyon ang kakapusan sa kaban ng bayan. Noong 2024, umabot ito sa P1.5 Trilyon. Kasabay sa paglobo ng kakulangan ay ang todo sirit din ng utang ng bansa. Ngayon Abril pa lang umabot na sa Php16.75 ang utang ng bansa at tinatayang aabot ito sa Php 17 Trilyon sa dulo ng 2025. Masaklap, para ibsan ang krisis sa pananalapi ng rehimeng BBM, todo-todo naman ang pagpiga ng buwis sa mamamayan. Hindi na kuntento sa VAT sa bilihin at digital na transaksyon, pati kita o interes sa savings ay binuwisan pa ng 20% ng gobyerno habang payag naman ito sa 0% taripa sa mga imported na produkto.

Larawan din ng 'Bulok na Pilipinas' ang lumalala at wholesale na katiwalian at korapsyon sa kaban ng bayan sa anyo ng budget insertions sa Bicam, pagpapatuloy ng confidential at intelligence funds at unprogrammed funds, na ginagamit na pang-ayuda at panunuhol sa kampanya ng mga trapo at dinastiya. Ayon sa konserbatibong pagtaya ng World Bank, mahigit sa Php 130 Bilyon ang nawawala sa kaban taun-taon dahil sa katiwalian at korapsyon.

'Bulok na Pilipinas' ang ibinunga sa ating ekonomiya. Lugmok pa din ating ekonomiya. Naghihingalo at matumal pa rin ang ating ekonomiya. 5.4% lamang ang inilaki ng GDP, 1% lang ang inilaki nito kumpara sa nakaraang 2024 sa kabila ng lubusang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ng ekonomiya. Ang resulta ng pakikipag-usap kay US Pres. Donald Trump ay patunay din sa kabulukang ito. Talo ang ekonomiya at mamamayan sa resulta ng US visit ni BBM, pumayag ito sa 0% taripa para sa mga produktong ipapasok ng US habang 19% ang taripa naman sa mga produkto ng bansa ang iniluluwas sa US. Babaha ang mga imported na produkto ng US sa bansa na wala tayong kikitaing buwis habang papatawan ng 19% buwis sa mga produkto natin sa US, magreresulta ito ng pagkawala nang mahigit na Php 32 Bilyon taun-taon sa ating kabang yaman. Talo na tayo sa kita, papatayin pa nito ang naghihingalong lokal na ekonomiya laluna ang agrikultura at manupaktura.

'Bulok na Pilipinas' ang inabot natin dahil marami pa ring hikahos at nagugutom. Ayon sa SWS, 50% ng mga Pilipino ay itinuturing ang sarili na mahirap habang 20% ng mga Pilipino ay nakakaranas ng pagkagutom. Dahil ito sa lalong lumakas na kapangyarihan ng mga pampulitikang dinastiya at pangingibabaw ng interes ng mga oligarkiya sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa Rappler, 18 malalaking dinastiya ang nakaluklok mula Kongreso hanggang mga pwesto sa lokal na pamahalaan. Sa Senado, 4 na pamilyang dinastiya ang nakaupo sa ika-20 Kongreso. 15 Bilyonaryo din lang ang may kontrol sa ekonomiya at nagpipyesta sa 80% ng likhang yaman ng bansa.

'Bulok na Pilipinas' ang mahigit na tatlong taon ni BBM, sa ilalim ng kanyang rehimen muling lumakas ang impluwensya at kapangyarihan ng imperyalistang US sa bansa. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, 4 na bagong base militar ng US sa ilalim ng EDCA ang naitayo. At ngayon sa kanyang pagbisita at pakikipagpulong kay Trump ay inihayag nito ang pagpayag sa pagtatayo ng pabrika at imbakan ng armas sa Subic sa Zambales. Lalo nitong paiigtingin ang desisyon ng tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Muli tayong inilagay sa bingit ng giyera at digmaan dahil sa pag-igting ng militarisasyon sa West Philippine Sea habang umiinit ang hidwaan sa pagitan ng US at Tsina.

'Bulok na Pilipinas' ang sinapit ng ating bansa dahil sa gitna ng taunang kalamidad at pagiging tagapangulo ni BBM sa Loss and Damage Committee, patuloy ang pagkasira ng kalikasan bunga ng malawakang kumbersyon, reklamasyon at pagmimina habang patuloy na pinapayagan at pinapalawak nito ang operasyon ng mga marumi at nakakapinsalang enerhiya sa anyo ng COAL-FIRED POWER at LIQUIFIED NATURAL GAS (LNG) na lalong nag-aambag hindi lamang sa lalong pagtaas ng temperatura ng daigdig, sa paglikha ng matinding kalamidad kundi maging sa dislokasyon at kahirapan sa mga kanayunan.

Lalong 'Bulok na Pilipinas' dahil hindi magawa ni BBM ang mapagpasyang resolusyonan ang pagpapanagot kay Sara Duterte sa kabila ng malawak na panawagan at malinaw na pananagutan nito sa paglustay sa pondo ng bayan. Ang pagbasura ng Korte Suprema sa impeachment laban kay Sara ay patunay ng kabulukan ng umiiral na gobyerno. Sa 'Bulok na Pilipinas' ni BBM walang pagpapanagot sa mga mandarabong!

'Bulok na Pilipinas' ang ibinunga ng paghahari ng rehimeng Marcos dahil nagpapatuloy ang maka-kapitalista, maka-asendero, at maka-imperyalistang tunguhin at programang ipinatutupad sa bansa. Kung mananatili at hindi tutulan ay ihahatid tayo ng rehimen hindi lang sa kahirapan at kagutuman kundi pagyurak at pagkakait sa karapatang pantao at hustisyang panlipunan/

Hindi palakpakan at pagpuri sa rehimeng BBM ang dapat na isalubong sa ika-4 na SONA dahil KABULUKAN ang HINATID nito sa bansa. Bagkus, dapat SINGILIN at PANAGUTIN ito sa patuloy na kahirapan, gutom, dislokasyon, pagkasira ng klima't kalikasan, at panunupil sa mamamayan. Walang ibang solusyon sa kabulukang dinaranas ng bansa kundi WAKASAN at ITAKWIL ang rehimeng BBM.

Tugunan ang Masa: Trabaho, Sahod, Kabuhayan at Karapatan!
Wakasan ang Katiwalian at Pampulitikang Dinastiya!
Tutulan ang Imperyalistang Paghahari at Giyera!

Marcos-Duterte Panagutin!
Itakwil ang Rehimeng Marcos Jr.!

SANLAKAS - BMP - PLM - Oriang - AMA - KPML - ZOTO - SPARK

Hulyo 2025

Martes, Hulyo 25, 2023

Mabuhay ang mga vendor!

MABUHAY ANG MGA VENDOR!

mabuhay silang maninindang anong sipag
na trabaho't kostumer ang inaatupag
upang kumita, upang buhay ay di hungkag
at naglalako sa maghapon at magdamag

hanggang maubos ang kanilang tinitinda
mga simpleng kakanin, payak na meryenda
upang mabusog kahit paano ang masa
upang buhayin din ang kanilang pamilya

salamat sa mga vendor na nabubuhay
sa trabahong marangal, mabuhay! mabuhay!
sa inyong lahat, taasnoong pagpupugay!
dahil naaalpasan ang gutom at tamlay

mura lang subalit nabubusog na kami
kaya madalas, sa tinda n'yo'y nawiwili
habang naritong nagpapatuloy sa rali
upang sa uri at sa bayan ay magsilbi

- gregoriovbituinjr.
07.25.2023

* litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa SONA, 07.24.2023

Martes, Agosto 30, 2022

Pahayag ng KPML sa ikadalawampung anibersaryo ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)

PAHAYAG NG KPML SA IKA-20 ANIBERSARYO NG METRO MANILA VENDORS ALLIANCE (MMVA)
Agosto 30, 2022

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa ikadalawampung anibersaryo ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) na nabuo dahil sa matinding pagmamalupit at pagdurog sa maraming manininda sa bangketa (sidewalk vendors) sa pamumuno ni Bayani Fernando, na kilala bilang BF, na noong panahong iyon ay hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Nabuo ang MMVA noong Agosto 30, 2002 sa Delaney Hall ng UP Chapel sa Diliman. Ang unang halal na pangulo nito ay ang namayapang si Ka Pedring Fadrigon, na naging pangulo ng KPML mula 2004 hanggang 2019, at matagal na namuno sa Samahan ng Makabayang Manininda sa Fabella (SAMANA-FA) sa Mandaluyong. 

Sa ngayon, sa patnubay ni Tita Flor Santos, pangulo ng Oriang Women’s Movement, ang MMVA ay naging matatag at patuloy na lumalawak upang ang mga karapatan at kagalingan ng mga vendors ay mapangalagaan at maipaglaban. Ang vendors ay mararangal!

Ang mga vendor o yaong maliliit na manininda sa bangketa na walang pwesto sa palengke ay may karapatang mabuhay ng marangal, tulad ng mga malalaking negosyante at kapitalista. Nabubuhay sila sa pagtitinda upang itaguyod ang kanilang pamilya, makakain ng tatlong beses isang araw, at mapag-aral ang kanilang mga anak. Ang ginawa ni BF ay pagyurak sa kanilang dangal, at paninikluhod sa mga kapitalista at negosyanteng may pwesto sa palengke upang makopo ng mga ito ang pamilihan, habang iniitsapwera ang dukhang pilit pinagkakasya ang karampot na kita sa pagtitinda. Kumbaga, buhay na isang kahig, isang tuka. Karamihan sa vendors ay wala ring maayos na bahay at nakatira sa mga danger zones.

Sa patuloy na pakikibaka ng mga vendor, mula man sa MMVA o hindi, ang KPML ay kasama nila at kapatid sa pakikibaka para sa maayos nilang pagtitinda nang hindi ginagamitan ng dahas. Taas-nooo at taas-kamao kaming nagpupugay sa lahat ng mga manininda, at sa dalawang dekada nang pag-iral ng MMVA! Mabuhay kayo, mga kasama! Tuloy ang laban!

Sabado, Nobyembre 14, 2020

Pahayag ng KPML sa International Street Vendors Day

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL STREET VENDORS DAY
(Pandaigdigang Araw ng Maglalako sa Lansangan)
Nobyembre 14, 2020

Ang ika-14 ng Nobyembre ang araw kung saan ipinagdiriwang ng mga naglalako sa kalsada mula sa iba’t ibang panig ng daigdig mundo ang kanilang pakikibaka at lakas. Dito sa Pilipinas ay naitatag noong Agosto 30, 2002 ang Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) upang labanan ang pagpapalayas sa kanila ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ang unang pangulo ng MMVA ay ang namayapa nang si Ka Pedring Fadrigon na dating pangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Kaya mahigpit na nakikiisa ang KPML sa lahat ng mga naglalako sa kalsada, lalo na yaong walang pwesto o nakikipwesto subalit hahabulin ng mga pulis pag nakita.

Sa ngayon, dapat magkaisa ang lahat ng mga vendor, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa iba’t ibang panig ng mundo, upang igiit at mapagtibay ang ILO convention 190 on the Elimination of Violence and Harassment in the World of Work.

Mahalaga ito para sa mga impormal na manggagawa sa ekonomiya sa buong mundo, dahil ang isang malaking porsyento ng mga nagtitinda sa lansangan at merkado ay patuloy na nakaharap sa lahat ng uri ng panliligalig at karahasan sa kanilang pagtatrabaho araw-araw.

Hinihiling namin ang agarang paghinto ng mga kalupitan at karahasan ng pulisya na ginagawa ng Estado araw-araw laban sa mga vendor, dahil hindi kriminal, kundi marangal na trabaho ang pagtitinda.

* Ang pahayag na ito ay unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Nobyembre 1-15, 2020, pahina 7.

Huwebes, Nobyembre 1, 2018

Maging makatao sa mga vendor

sa pagtrato sa vendor, sana'y maging makatao
at huwag silang itaboy na akala mo'y aso
sila'y maninindang ayaw magutom ang pamilya
nagtatrabahong marangal tumubo man ng barya
sino ba ang may gustong ang bangketa'y maharangan
kung may maayos lamang silang mapagtitindahan
kaya huwag silang tirising parang mga ipis
pagkat nagtatrabaho rin ng patas at malinis
susunod din sa batas, huwag silang dinarahas
nais lamang nila'y makapagtinda ng parehas
makakain ng sapat tatlong beses isang araw
kahit kumayod ng kumayod na tila kalabaw
nawa mga vendor ay protektahan ng gobyerno
kahit vendor sila'y marunong ding magpakatao
- gregbituinjr.

Huwebes, Enero 25, 2018

Solidarity Message sa BMP Congress

MENSAHE NG PAKIKIISA NG METRO MANILA VENDORS ALLIANCE (MMVA) 
SA IKA-8 KONGRESO NG BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

Isang taos-puso at taas-kamaong pakikiisa ang ipinaaabot ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) sa Ikawalong Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)!

Kami, mga sidewalk vendors, kumakatawan sa malaking bilang ng maliliit na manininda sa mga bangketa, ay mahihirap. At dahil sa kahirapang ito, kami ay naobligang sumuong sa isang klase ng hanapbuhay na sa tingin namin ay marangal ngunit karaniwang kami'y hinahabol na para bagang hindi makatao ang pagtitinda. Kung hindi dahil sa kahirapan, hindi kami magtitiis magbilad sa araw at magpuyat sa magdamag, sumuong sa iba't ibang klase ng panganib at pang-aabuso mula sa kamay ng sindikatong pulisya at mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, mapagdugtong lamang ang aming buhay sa araw-araw.

Kung hindi dahil sa kahirapan, sana'y mas marangal naming binubuhay ang aming mga pamilya at sanay nakapag-aambag ng kontribusyon sa pormal nating ekonomya gaya ng iba pa naming kababayan na nakakaangat sa buhay. Ganunpaman, hindi maikakaila ang katotohanan na kung hindi dahil sa impormal na industriyang ito, sana'y mas higit na mabigat ang pasaning problema ng ating bansa. Dahil sa aming bahaging kontribusyon sa tinatawag na underground economy, na ayon sa mga ekonomista, ay kumakatawan sa halos 30% hanggang 40% ng ating Gross Domestic Product (GDP), nagagawang makaraos ng ating ekonomya sa kabila ng malaking kapabayaan ng pamahalaan. Kung hindi sa aming pagtitiis at pagtityaga sa ganitong hanapbuhay, mas lalo sanang lumobo ang unemployment rate sa bansa na sa ngayon ay umaabot na sa limang milyon.

Noong Agosto 30, 2002, kasamang nagtayo sa Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). At kasama namin ang BMP sa aming mga pakikibaka hanggang ngayon. Kaya kaming mga nasa impormal na sektor ay mahigpit na nakikiisa sa mga manggagawang Pilipino sa lahat ng pakikibaka nito para sa isang lipunang makatao.

Nawa'y patuloy tayong magkaisa lalo na't tumitindi ang kalagayang pampulitika sa ating bansa, lalo na ngayong pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa bagong batas na TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion), at samutsari pang problema lalo na ang paglabag sa karapatang pantao.

Mabuhay ang Ikawalong Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)!

- Mula sa pamunuan at mga kasapi ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)

Miyerkules, Oktubre 11, 2017

Stop evictions in the name of World Cup football!

Taas-noo at taas-kamaong nakikiisa ang mga maralita at manininda mula sa Pilipinas upang ipagtanggol ang mga kapwa vendors at maralita ng India na tatamaan ng ebiksyon sa ngalan ng World Cup football. Ang aming kapwa maralita ay may karapatan ding dapat tamasahin at hindi dapat basta palayasin at itaboy na lamang na parang mga daga. Kailangan ng wastong proseso at igalang ang kanilang karapatang pantao.

We in the Metro Manila Vendors Alliance in the Philippines join the call to:

Stop evictions in the name of World Cup football!

Nasa ibaba ang pahayag ng isang taga-India na dapat nating suportahan, at ating ipakita ang ating suporta sa pamamagitan ng pagbahagi ng pahayag na ito at paglagda sa kanilang petisyon na nasa kawing o link na:



Stop evictions in the name of World Cup football
by sushovan dhar kolkata, India

While FIFA under-17 world cup makes its way to India, the poor around the Vivekananda Yuva-Bharati Krirangan at Kolkata, West Bengal - where a total of 10 matches will be played, including the Final between 8 and 28 of October 2017 – make their way out to accommodate this spectacle.

A huge number of street vendors and hawkers, temporary hutment dwellers and other marginal wage-earners are evicted to "beautify" a vast area around the said stadium. A ruthless demolition of informal settlements and street vendors in the city is being carried out without rehabilitation leading to the extensive displacement of individuals and communities from their homes and habitats. These operations are being conducted by the government through two local municipal bodies namely, Kolkata municipal corporations and Bidhannagar municipal corporations.

The poor and the marginalised of the area are left homeless and destitute, without means of earning livelihood. Since there is no resettlement, people are forced to spend nights under open skies. Consequently it's associated with physical and psychological injuries to those affected with specific impacts on women, children, persons already living in extreme poverty, indigenous peoples, religious minorities and other disadvantaged groups. The number of people getting evicted has already risen up to 100,000, amongst majorities are slum dwellers and street vendors. These expulsions clearly constitute gross human rights violations with dramatically increased rate of magnitudes.

Sign this pledge to demand the government of West Bengal to stop all evictions on the pretext of “beautification” for the FIFA U-17 world cup football.

FIFA claims to adhere to all UN Human Rights Conventions. Even its own Human Rights Policy says “While recognising that land acquisition is primarily the responsibility of the government hosting the respective competition or of the respective member association responsible for the project, FIFA expects and promotes the respect of international human rights standards where land acquisition involves expropriations and in particular where people are resettled in the process." However, the organisation chose to be silent on this large scale displacement.

Sign the pledge to tell FIFA that it must respect its own commitments.

This eviction is also a violation of Street Vendors (Protection of Livelihood and Regulation of Street Vending) Act, 2014 passed in the Indian parliament to protect the livelihood of millions of street vendors and hawkers across the country and various international conventions like CEDAW, ECOSEC, etc. which clearly rules out any eviction.

Sign this pledge to demand proper rehabilitation for all those who are already evicted.

This petition will be delivered to:

FIFA



Martes, Setyembre 13, 2016

Vendors stage funeral march against "illegal clearing"

METRO MANILA VENDORS ALLIANCE
Press Statement
September 13, 2016

VENDORS STAGE FUNERAL MARCH AGAINST "ILLEGAL CLEARING"

QUEZON CITY, PHILIPPINES - Following the illegal clearing operations along Citimall, Philcoa area in this city last Friday, September 9, 2016, which injured a couple of vendors including 76-year old Linda Ramos, vendors belonging to Metro Manila Vendors Alliance-Quezon City Chapter and Sanlakas held a funeral march-themed protest lambasting local government officials for "killing" their livelihoods and means of subsistence.

All clad in black, the vendors marched from the Quezon Memorial Circle to Citimall in what they call an "indignation rally" for the illegal clearing operations being pursued by the Quezon City Government.

"Binigyan kami ng papel na noo'y akala namin ay magandang balita. Yun pala ay Notice of Violation kung saan ay binigyan kami ng 24 oras para umalis sa mga pwesto namin sa kabila na nagbabayad kami ng market fees, sa kabila ng pahintulot na mismo ang siyudad ang nagbigay sa amin. Hindi ba paglapastangan ito sa karapatan namin? Kaming walang-wala na nga ay pagkakaitan pa," decried Mila Ogaoga, leader of the Philcoa vendors.

The Quezon City Market Code of which MMVA was party to its drafting provides for due process when violations are alleged against accredited vendors in the designated vending sites. Vendors found in violation of the same were to be issued prior three prior warning and only after which appropriate actions may be taken. The Philcoa vendors who were subjected to last Fiday's clearing operations were granted a temporary vending site.

On the pretext of implementing a 2002 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Order, the Notice of Violation declares vending illegal. To make matters worse, vendors affected by the clearing operations will be subjected to drug testing. Ganito na lang ba ang pagtrato sa mga manininda? Kikitilin ang kanilang kabuhayan sa kabila ng mga prosesong pinagdaanan para lamang makapwesto, sa isang iglap ay wawalisin at babansagan pang mga adik at snatcher", lamented Flora Santos, coordinator of MMVA.

The clearing operations last Friday was led by Quezon City Councilor Ranulfo Ludovica who justified the action as being sanctioned by Mayor Herbert Bautista.

"We will not allow such assault on the rights and dignity of vendors to go unchallenged. At a time when the Government can hardly provide jobs and livelihoods, depriving vendors their only means of subsistence is decision to deny them their existence. It will be blood on the hands of the Quezon City Government. we call on Mayor Bautista to intervene and put a stop to the violence being forced upon the vendors", concluded Santos.

Biyernes, Setyembre 9, 2016

Soneto sa mga vendor ng Philcoa


Human barricade set up by QC vendors against illegal clearing operations

Press Release
September 9, 2016

HUMAN BARRICADE SET UP BY QC VENDORS AGAINST ILLEGAL CLEARING OPERATIONS

A group of vendors situated in Philcoa, Quezon City organized a human barricade to keep agents of the QC local government from demolishing their stalls.

Members of the Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) assembled at 8 in the morning to keep uniformed personnel from clearing the area of the vendors,most of whom have already been operating in Philcoa for more than two years.

"We were only informed of the clearing operations last September 7, and was only given 24 hours to abandon our stalls. We have consistently paid our dues to the city government and have been issued a Temporary Hawkers Permit by the Quezon City Market division," said MMVA Coordinator Tita Flor Santos. "This is why we do not understand the reason for such harsh treatment from the local government," she added.

The demolition of the vending stalls were done in correspondence with an order issued by the City Council Committee on Public Order and Security, headed by Councilor Ranulfo Ludovica. The issue was ordered in light of MMDA Resolution No. 02-28, series of 2002. Aside from the clearing operations, the vendors will also be subjected to mandatory drug testing.

"The clearing operations, put bluntly, is illegal for three reasons," said Sanlakas Secretary-General and MMVA legal counsel Atty. Aaron Pedrosa. "First of all, it violates the Market Code of Quezon City. It also deprives the Philcoa vendors of due process, as they were only informed of the demolition less than a day before," he added.

Atty. Pedrosa said that if not for the intervention of MMVA, the demolition would not have been suspended for one day. "Lastly, the City Council Committee on Public Order and Security does not have the authority to implement the suspension order. while its job is to legislate city ordinances, the power to execute rests upon the Office of the City Mayor," Atty. Pedrosa further stated.

Upon reception of the memo, MMVA has persistently requested a dialogue with QC Mayor Herbert Bautista, but the Mayor's office did not respond to any of their attempts.

"We call on Mayor Bautista and President Duterte to consider the side of vendors in these ongoing clearing operations. We ask them to cancel the demolition of our stalls," Santos pleaded. "We were promised that if we worked accorsing to the rules and did not violate any regulations, our livelihood will be protected. But now, it seems that it is the City Government which has violated that promise," she concluded.

Miyerkules, Oktubre 21, 2015

Lunes, Setyembre 15, 2014

Groups Launch Resistance Movement vs. Noynoy Aquino

Kuha ni Omeng Abunda ng Sanlakas, 091514

Joint Press Release
15 September 2014 

Groups Launch Resistance Movement vs. Aquino’s Emergency Powers, Cha-Cha, Term Extension and Attacks vs Supreme Court

“When injustice becomes law, resistance becomes a duty.” Atty Aaron Pedrosa, SANLAKAS Secretary General borrows a quote from Thomas Jefferson, as various groups and sectoral organizations gathered to launch a movement dubbed as “All Resist Movement” (ARM the People!). 

Leaders of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). SANLAKAS, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita sa Lunsod (KPML), Aniban ng Magsasaka sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) and Partido Lakas ng Masa (PLM) took turns in lambasting President Noynoy Aquino’s request for a Joint Resolution from Congress that would grant him emergency powers to address a purported energy crisis in 2015.

Leody de Guzman, BMP President, added, “Two presidents invoked and used Emergency Powers: Fidel Ramos, when he used it and locked-in the country in IPP contracts that to this day the Filipino people are paying for in high electricity rates; and Gloria Arroyo, when she wielded emergency powers to preserve her fraudulently acquired presidency in the 2004 elections. During both times, emergency powers did not serve the people’s interest and welfare at all.” 

“Why does he need Emergency Powers? The energy crisis is the result of EPIRA, a law that after over ten years of existence has proven to have failed in ensuring power supply and affordable electricity for the people, especially the masses. If Congress should act to resolve the crisis, it is should not be to give Noynoy emergency powers but to throw out EPIRA and pass a new law that gives back the control of the power industry to government.” decried Flora A. Santos of the Metro Manila Vendors Alliance.

“Connect the dots. From appropriating the powers of Congress to stop approved government projects, declaring these funds as “savings” in order to divert the funds into other projects, and the cross-border transfer of these funds to allies and prospective allies, his endorsement of ChaCha for the expressed purpose of clipping the powers of the Supreme Court, his innuendos towards term extension, and now, Aquino wants emergency powers. Doesn’t this smack of Marcosian rule?” Pedrosa pointed out. 

The groups also opposed the Economic ChaCha, .spearheaded by House Speaker Sonny Belmonte. Sonny Melencio, PLM Chairman, described the move to insert the phrase “and as provided by law” towards allowing 100% foreign ownership in the Philippines as “an attempt to give foreign corporate interest a free pass to ravage the nation’s natural and human resources without any guarantees that it will benefit the entire populace and not only the factories in export processing zones and the residences of the propertied classes”.

While Aquino and his allies give foreign corporate interest carte blanche rights to plunder our economy, PNoy is going on his 4-European Nation 8-day Tour on a Filipino labor-pimping mission.”, added Gie Relova of BMP”.

“All of the Heads of State and corporate bosses that Aquino will talk to will find out how dirt cheap Filipino labor is and how contractualization has breached all industries in the country and that once the constitution is amended, it will make it even more profitable for capitalists to invest here, Relova said.

The All Resist Movement (ARM the People) which they described as a peoples’ crusade in response to Noynoy Aquino’s plans to further plunder the economy and extend his term in office by amending the constitution and utilizing special provisions that will grant him emergency powers.

The ARM the People campaign, as the militants articulated “is also the peoples’ response and resistance to the crude political maneuvers of Aquino and allies to secure their political survival in the 2016 elections by the continued practice of the pork barrel system”.

Pedrosa argued that, “After the striking down of the impeachment charges before the House, this call to arms is the logical step forward for an aggrieved and victimized nation to redress the four-year epic failure of the presidency of Aquino and the unabated neglect and misery of our people”.

ARM the People will be launched this coming week from the 16th onward with a series of mass actions to bring to Noynoy’s doorstep in Malacanang, to Congress, to the Senate the resistance of a people who will not allow corruption, injustice or tyranny to prevail.

On September 21, ARM the People will hold simultaneous protest actions at the grassroots level in various cities and municipalities in Metro Manila, and in major city centers in Laguna, Cavite, Bulacan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Tacloban, Davao City and Ozamiz City.#

All Resist Movement (ARM the People!), Inilunsad

Kuha ni Omeng Abunda ng Sanlakas, 091514

Joint Press Release
15 Setyembre 2014 

Resistance Movement, Inilunsad ng iba’t ibang grupo laban sa Emergency Powers ni Aquino, Cha-Cha, Term Extension at Atake sa Korte Suprema

“Kapag naging batas ang inhustisya, tungkulin na nating makibaka.” Hiniram ni Atty. Aaron Pedrosa, Secretary General ng SANLAKAS, ang mga pananalitang ito kay Thomas Jefferson, habang nagtitipon ang iba’t ibang grupo at organisasyong sektoral sa paglulunsad ng isang kilusang tinawag nilang “All Resist Movement” (ARM the People!).

Kinutya ng mga lider ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). SANLAKAS, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lunsod (KPML), Aniban ng Magsasaka sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), at Partido Lakas ng Masa (PLM) ang kahilingan ni Pangulong Noynoy Aquino sa kahilingan nitong Joint Resolution mula sa Kongreso na magbibigay sa kanya ng emergency power upang matugunan ang napipintong krisis sa enerhiya sa 2015.

Idinagdag pa ni Leody de Guzman, pangulo ng BMP, “Dalawang pangulo na ang naggiit at gumamit ng emergency power: si Fidel Ramos, nang ginamit niya ito at ipiniit ang bansa sa mga kontrata ng IPP na hanggang sa ngayon, nagbabayad ang mamamayang Pilipino ng napakataas na presyo ng kuryente; at si Gloria Arroyo, nang ginamit niya ang emergency power upang mapanatili sa kanyang nakuha-sa-dayang pangkapangulo noong halalang 2004. Sa dalawang panahong iyon, hindi nakapagsilbi sa kapakanan at kagalingan ng mamamayan ang emergency power.”

“Bakit niya kailangan ng emergency power? Ang krisis sa enerhiya ang resulta ng EPIRA, isang batas na makalipas ang mahigit sampung taon ay patunay ng pagkabigong matiyak ang suplay sa kuryente at abotkayang elektrisidad para sa mamamayan, lalo na sa mga maliliit. Kung kikios ang Kongreso para maresolba ang krisis, ito’y hindi ang bigyan ng emergency power si Noynoy kundi ibasura ang EPIRA at magpasa ng bagong batas na magbabalik sa pamahalaan ng kontrol sa industriya ng kuryente,” puna ni Flora A. Santos ng Metro Manila Vendors Alliance.

“Ikonekta natin ang mga tuldok. Mula sa paglalaan ng kapangyarihan ng Kongreso upang matigil ang mga aprubadong proyekto ng gobyerno, na idinedeklrarang “ipon” o “savings” ang mga pondong ito upang mailipat ang mga pondo sa ibang proyekto, at ang mga paglilipat ng mga pondong ito sa mga alyadao at inaasahang alyado, ang kanyang pag-endorso sa ChaCha para sa adhikain niyang mabawasan ang kapangyarihan ng Korte Suprema, ang mga pasaring niya sa pagpapalawig ng termino, at ngayon, nais ni Aquino ng emergency power. Hindi ba ito isang paggaya sa pamamahala ni Marcos?” pagdidiin pa ni Pedrosa.

Laban din ang mga nasabing grupo sa Economic ChaCha, na pinangungunahan ni House Speaker Sonny Belmonte. Inilarawan ni Sonny Melencio, pangulo ng PLM, ang kilos upang ipasok ang pariralang “and as provided by law” hinggil sa pagpayag sa 100% pag-aari ng dayuhan sa Pilipinas bilang “pagtatangkang bigyan ng libreng pases ang mga dayuhang korporasyon na was akin ang likas-yaman at lakas-paggawa ng bansa nang walang anumang katiyakan na ito’y magbibigay ng benepisyon sa buong mamamayan, at hindi lang sa mga pabrika sa export processing zones at sa mga tahanan ng uring maraming pag-aari”.

Habang binibigyan ni Aquino at kanyang mga alyado ang interes ng mga dayuhang korporasyon ng blangkong karapatang mandambong sa ating ekonomya, patungo naman si PNoy sa kanyang walong araw na pagdalaw sa apat na bansa sa Europa upang ibugaw ang manggagawang Pilipino.” Dagdag ni Gie Relova ng BMP.

“Lahat ng mga Pinuno ng Estado at mga boss na kapitalista na kinakausap ni Aquino ay malalaman kung gaano kamura ang lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino, at paanong dumaragsa ang kontratwalisasyon sa lahat ng industriya sa bansa, at kapag naamyendahan ang konstitusyon, lalo pang magkakamal ng tubo ang mga kapitalistang magnenegosyo rito,” dagdag pa ni Relova.

Ang All Resist Movement (ARM the People) na inilarawan nilang krusada ng taumbayan bilang tugon sa plano ni Aquino na patuloy pang dambungin ang ekonomya at palawigin ang kanyang termino sa pwesto sa pamamagitan ng pag-amyenda sa konstitusyon at paggamit ng mga ispesyal na probisyon na magbibigay sa kanya ng mga emergency power.

Ang kampanyang ARM the People, na ipinaliliwanag ng mga militante “ang siya ring tugon ng sambayanan at paglaban sa baluktot na maniobrang pulitikal ni Aquino at ng kayang mga kaalyado upang matiyak ang kanilang pulitikal na pananatili sa halalang 2016 sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng sistemang pork barrel”.

Iginiit pa ni Pedrosa, “Matapos na mabasura ang mga impeachment charges sa Mababang Kapulungan, ang panawagang pag-aarmas na ito ang lohikal na hakbang pasulong para sa inapi’t biniktimang bansa upang tugunan ng apat-na-taong pagkabigo ng pagkapangulo ni Aquino at ang patuloy na pagbalewala at karukhaan ng ating mamamayan”.

Ilulunsad ang ARM the People sa susunod na linggo mula sa ika-16 sa pamamagitan ng serye ng mga aksyong masa upang madala sa tarangkahan ni Noynoy sa Malacañang, sa Kongreso, sa Senado ang pakikibaka ng taumbayang hindi pumapayag sa katiwalian, inhustisya o tiranya na manatili.

Sa Setyembre 21, maglulunsad ng sari-saring pagkilos sa antas ng masa ang ARM the People sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Metro Manila, at sa mga mayor na sentrong lungsod sa Laguna, Cavite, Bulacan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Tacloban, Lungsod ng Davao at Lungsod ng Ozamiz.#

Sabado, Agosto 30, 2014

Lunes, Agosto 25, 2014

Sigaw sa Mendiola at Luneta: Pork Abolition, Hindi Term Extension, Hindi ChaCha!

Sigaw sa Mendiola at Luneta: Pork Abolition, Hindi Term Extension, Hindi ChaCha!

Agosto 25, 2014 - Madaling araw pa lang ng Lunes ay nasa Mendiola na ang mga kasapi ng SANLAKAS, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Piglas-Kabataan, at Teatro Proletaryo. Bandang ikapito ng umaga ay dumating naman ang Partido Lakas ng Masa (PLM).

Sa saliw ng ChaCha, at ng awiting "Kung alam mo lang, Bayan" (rendisyon ng awiting "Kung Alam Mo Lang, Violy" ni Gary Granada), nagsayaw ang mga kasapi ng Teatro Proletaryo sa Mendiola, bandang ikaanim ng umaga. Ito'y bahagi ng kanilang protesta laban sa pork barrel at term extension na balak ni Pangulong Noynoy Aquino kaya nais nitong magkaroon ng ChaCha o Charter Change.

Bandang ikasiyam ng umaga ay nagmartsa na sila patungo sa Quirino Grandstand upang makiisa sa mas malawak na pagtitipon ng sambayanan. Idinaos sa Luneta ang aktibidad na "Stand Up! Sign Up!" o "Manindigan at Lumagda" laban sa pakanang term extension ng pamahalaang Aquino.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Martes, Hulyo 29, 2014

Mga kawatan sa pamahalaan DAPat managot

SONA 2014: "Mga kawatan sa pamahalaan DAPat managot"

Lunes, Hulyo 28, 2014 - Nakiisa ang grupong Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) sa martsa sa ikalimang SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Noynoy Aquino, dalawang taon bago matapos ang kanyang termino. 

Dala ang malaking streamer na de-gulong na may panawagang "Aquino, Patalsikin! Itakwil ang Kurap at Elitistang Rehimen! Itayo ang Gobyerno ng Masa!", kasama nilang nagmartsa ang mga grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), SANLAKAS, Partido Lakas ng Masa (PLM), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Samahan ng Mamamayan - Zone One Tondo Organization (SM-ZOTO), Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), SUPER-Federation, Piglas Kabataan (PK), Makabayan-Pilipinas, Koalisyon Pabahay Pilipinas (KPP), atbp. Sumama rin sa kanila ang grupong Manggagawang Sosyalista (MASO) at Teachers' Dignity Coalition (TDC). Mula sa Tandang Sora ay hindi man lang sila nakarating kahit sa Gotesco dahil hinarang na sila ng mga pulis, kaya nagpasya na silang magprograma isang kilometro bago mag-Ever Gotesco, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Ang SONA ay ginaganap tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Huwebes, Hulyo 3, 2014

Ang vendor ba ay kapitalista o proletaryado?

ANG VENDOR BA AY KAPITALISTA O PROLETARYADO?
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Utak-kapitalista, pero buhay proletaryado. Ganito nga ba maaaring ilarawan ang vendor?

Utak-kapitalista dahil nag-iisip sila ng tubo sa kanilang munting negosyo, tulad ng buy and sell na karaniwan nilang trabaho. Ngunit buhay proletaryado sila dahil wala silang pag-aaring mga pabrika, maliban sa kanilang mga paninda. Kadalasan sa kanila'y nakatira sa mga lugar ng iskwater, mga danger zones, dahil doon na ipinadpad ng tadhana.

Mga vendor silang nagsisikap maghanapbuhay ng marangal, nagtitinda-tinda upang tumubo lamang ng kakarampot. Kumbaga'y mga palpak silang kapitalista kung mahigit na silang sampung taon sa pagnenegosyo ay vendor pa rin, at walang sariling negosyong maipagmamalaki.

Nagsimula sa pagiging vendor ang mayayamang kapitalistang sina Henry Sy at Lucio Tan. Si Henry Sy ay nagsimula sa pagtitinda ng sapatos, at naitayo niya ang Shoe Mart. Si Lucio Tan naman ay nagsimula sa paggawa ng sigarilyo, at naitayo ang pabrika ng Fortune Tobacco.

Ngunit hindi lahat ng vendor ay ganito. Dahil bihira ang tulad nila. May gintong kamay ba sila sa paghawan ng landas tungo sa pag-unlad? Anong uri ng diskarte at anong klaseng utak mayroon sila upang marating ang kinalalagyan nila ngayon? Vendor noon, tycoon ngayon.

Karamihan ng mga vendor ngayon sa bansa ay nabubuhay sa sariling diskarte, buy-and-sell, pagbabakasakali upang makakain bawat araw at hindi magutom ang pamilya. Kilala ang Divisoria at Baclaran sa maraming vendor, na pati ang kalsada ay hindi na madaanan ng mga sasakyan dahil sa nakahambalang nilang paninda.

Dumating pa ang panahong ang mga vendor sa Kalakhang Maynila ay itinuring na animo'y may ketong. Ipinagbawal na sa kanila ang magtinda, itinaboy sa mga bangketang nagmistulang kanilang tindahan, sinusunog ang kanilang mga paninda upang hindi na makabalik muli sa lugar na pinagtitindahan nila. Idineklara sila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pamumuno ni Bayani Fernando, na mga hudyong dapat malipol. Kaya itinuring din nila si Bayani Fernando na Hitler.

Sa kasagsagan ng bakbakang ito laban sa mga vendor ay naitayo ang Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) noong Agosto 30, 2002 sa UP Diliman. Nagkaisa ang mga vendor upang ipagtanggol ang kanilang mga kabuhayan, na siyang tama naman at marapat gawin. Dahil hindi sagot ang hindi pag-imik na kahit nasasaktan na ay oo na lang ng oo.

Kung ating susuriin, ang pagiging vendor ay usapin pa ng survival, usapin kung paano lalamnan ang tiyan ng pamilya bawat araw. Hindi pa ito usapin ng pag-hire ng mga trabahador para magtrabaho sa kanyang negosyo. Dahil usapin ito ng survival at dahil karaniwan ng mga vendor ay nakatira sa mga lugar ng iskwater o mahihirap, hindi pa sila ganap na kapitalista kahit kung mag-isip sila'y tulad ng kapitalista, magkaroon ng tubo ang kanilang pinuhunan. Biktima rin sila ng kapitalismo. Dahil kailangan nilang mabuhay sa ilalim ng umiiral na sistema, ang pagvevendor ang naisipan nilang trabaho. Wala man silang amo, matindi naman ang kotong sa kanila, dahil kung hindi sila magbibigay ng tong, hindi sila makakapagtinda sa lugar.

Sa ngayon, ang vendor ay maaaring ituring na bahagi ng proletaryado, o mga taong walang pribadong pag-aari maliban sa kanilang lakas-paggawa. Bagamat sila'y negosyo na ang nasa isip dahil kailangan nilang buhayin ang kanilang pamilya. Nagbabakasakaling sa pamamagitan ng negosyong ang puhunan ay sariling sikap at kaunting salapi ay magkaroon ng maayos na buhay ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng marangal na paghahanapbuhay.

Biyernes, Hunyo 13, 2014

Mga vendor, nakiisa sa kilos-protesta laban sa katiwalian

MGA VENDOR, NAKIISA SA KILOS-PROTESTA LABAN SA KATIWALIAN

Nakiisa ang grupong Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) sa panawagang ikulong lahat ng sangkot sa porb barrel at mga nangurakot sa kaban ng bayan. Sumama sila sa malawakang kilos-protesta nitong Hunyo 12, 2014, mula sa Plasa Salamanca sa Kalaw Ave., hanggang sa Bonifacio Shrine sa Mehan Garden sa Maynila. Kaunti man sila, kasama ang bulto ng grupong Sanlakas, ang kanilang pakikiisa ay isa nang malaking hakbang tungo sa panawagang totoong pagbabago sa lipunan. Nais din nilang magkaisa ang kanilang sektor upang labanan ang katiwalian sa pamahalaan.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Martes, Hunyo 3, 2014

A priest on the plight of vendors and the poor

You shall not Kill - Be Compassionate

“You shall not kill” was what I told the police of Quezon City last May 22, 2014 when I saw them confiscating the stores of the poor at the Agham Road. Victims of the recent demolition they were only trying to eke out a living to survive. “This is a sidewalk and it is against the law, ” the police justified their action. “When you destroy their livelihood, you practically kill them, ” I answered back.

That incident was a good opportunity for me to confront the authorities because a few days back, while riding on a tricycle, I saw a pregnant woman who was running after her wares which were scattered by the police on the Agham road.

Fr. Pete Montallana of Diocese of Infanta
These incidents with government officials abusing the poor people have become a very common sight all over the country. There are no qualms of conscience even if these officials know that they are dealing with citizens who pay for their salaries through taxes and whom they vowed to serve. They select laws they can use and disregard laws that protect human rights because the poor could not afford to defend their rights.

The recent violent demolition in Agham brought home this point very well. The Constitution clearly provides that demolition has to be done in a “just and human manner”. The provisions of UDHA law, for all its defects, should have been followed conscientiously: there should be notice at least thirty days prior to eviction, adequate consultations, proper identification of all persons taking part in demolition, decent housing at affordable cost with basic services and employment opportunities. Moreover, the government was in full battle gear hitting even unarmed citizens and using powerful tear gas – all in the name of road widening but in reality to facilitate the business interests of the Ayalas. In Quezon City development means slow death to poor people.

Even until now NHA could not care less whether families who were left homeless continue to live under the heat of sun or under the rain. There are no more budgets they told the homeless. They are not even allowed to have tents over their heads during the day. The whole urban poor area is now like a Nazi concentration camp surrounded by wires and with more exits closed. What would happen if there would be a fire? Well, security of the land is more important than human beings. And to add insult to injury, they hired people of other faith who themselves lived in area as the security guards - divide and conquer technique. Many people have become numbed to this treatment. Or maybe the lull before a storm.

The government closes it eyes to the reality that demolition and relocation without job opportunities have always been a failure. It only causes intense suffering for the already suffering people. Many relocatees have sold their houses and are back to Manila just to have something to eat. The government does not see that its laws on land reform, contractualization and “libing” (living) wages, privatization, etc exclude the poor from the benefits of society and thus push them to squatting. Government sees only the high profits of business and their personal gains.

Pope Francis articulates it: “Today everything comes under the laws of competition and the survival of the fittest, where the powerful feed upon the powerless. As a consequence, masses of people find themselves excluded and marginalized: without work, without possibilities, without any means of escape. (Evangelii Gaudium, #53, underscoring supplied)

When I jogged around Agham Road last May 29, 2014 at 4:00 AM, I saw, to my surprise, some families whose houses were demolished sleeping on the sidewalk. As human beings endowed with human dignity, they have a right to shelter which should have been given them especially in a predominantly Christian country. But that is not the case. The government has gone into a demolition spree to clear Metro Manila of its half million squatter families and in the process pushing more and more people into grinding poverty which kills. Violence on the unarmed only convinces people that the government listens only to those with arms. This begets more killings.

The police and the military should never be used to crush the dignity of the poor for the moneyed and powerful but rather they should promote Article 25 of the Universal Declaration of Human Rights: Everyone has the right to a standard of living adequate for the health and well-being of himself and of his family, including food, clothing, housing and medical care and necessary social services.

Last June 1, 2014 we had no electricity from 6:00 PM until 8:AM the next day. So many families had to endure the heat and mosquitoes. Would that happen if Agham were already be populated by the rich? Descrimination against the dignity of the poor has become so accepted that nobody seems to be bothered by it anymore.

Pope Francis who will be coming in the Philippines in 2015 reminds us : “We are called to care for the vulnerable of the earth”. (Evangelii Gaudium, 209). A compassionate Philippines will be the best welcome for him.

Fr. Pete Montallana – June 2, 2014

-On Exposure in Agham since March, 2014
My email: pinding2003@yahoo.com