SONA 2014: "Mga kawatan sa pamahalaan DAPat managot"
Lunes, Hulyo 28, 2014 - Nakiisa ang grupong Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) sa martsa sa ikalimang SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Noynoy Aquino, dalawang taon bago matapos ang kanyang termino.
Dala ang malaking streamer na de-gulong na may panawagang "Aquino, Patalsikin! Itakwil ang Kurap at Elitistang Rehimen! Itayo ang Gobyerno ng Masa!", kasama nilang nagmartsa ang mga grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), SANLAKAS, Partido Lakas ng Masa (PLM), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Samahan ng Mamamayan - Zone One Tondo Organization (SM-ZOTO), Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), SUPER-Federation, Piglas Kabataan (PK), Makabayan-Pilipinas, Koalisyon Pabahay Pilipinas (KPP), atbp. Sumama rin sa kanila ang grupong Manggagawang Sosyalista (MASO) at Teachers' Dignity Coalition (TDC). Mula sa Tandang Sora ay hindi man lang sila nakarating kahit sa Gotesco dahil hinarang na sila ng mga pulis, kaya nagpasya na silang magprograma isang kilometro bago mag-Ever Gotesco, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Ang SONA ay ginaganap tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento