(Ito'y sinipi sa kanilang brochure na inihanda noong 2002 - back-to-back short bond paper)
Metro Manila Vendors Alliance
" Karapatan sa Kabuhayan para sa Makatarungang Lipunan"
ISANG MAIKLING KASAYSAYAN
Ang Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) ay pormal na itinayo noong Agosto 30, 2002 sa pamamagitan ng isang "vendors summit" na pinangunahan ng mahigit apatnapung (40) organisasyon ng mga maliliit na manininda na nagmula sa iba't ibang lugar sa Kamaynilaan. Isang manipesto ng pagkakaisa ang pinagtibay upang magsilbing panimulangdeklarasyon ng pagkakaisa ang pinagtibay upang magsilbing panimulang deklarasyon ng pagkakaisa at mga kahilingan tanda ng paninindigan na ipagtanggol ang karapatan sa kabuhayan at dignidad bilang mga manininda.
Nagsimulang mabuo mula ng matutong tumindig ang ilang grupo ng manininda ng Kalentong at Philcoa na naglunsad ng mga kilos-protesta sa harap ng opisina ng MMDA at ng lokal na pamahalaan. Ang patuloy na mga kilos-protestang ito ang siyang nagbigay-inspirasyon sa iba pang mga kalat-kalat na mga organisasyon na buklurin ang isang mas malawak na organisasyon ng lahat ng mga maliliit na manininda sa buong Kamaynilaan upang higit na palakasin ang komon na interes ng manininda - walang iba kundi ang MMVA. Ang kapasyahang ito ay resulta ng malupit at di-makataong patakaran ni Bayani Fernando simula nang italaga bilang chairman ng MMDA.
Itinuring ni Bayani Fernando at ng mga kawal nito na animo'y mga "daga sa estero ng buong Kamaynilaan". Tinutugis tuwing makikita. Dinudurog ang bawat dugo't pawis na puhunan. Ito ang simula ng aming kasaysayan, ang kasaysayan ng paninindigan na lumaban at ipagtanggol ang karapatang mabuhay sa sariling kaparaanan.
Bakit ba mayrooong mga vendors sa bangketa't lansangan? Ano nga ba ang dahilan?
Ang pagtitinda ay isa sa paraan ng tao upang mabuhay, ano mang uri, porma o lugar nito. Ngunit malaki ang pinag-iiba ng mga tinatawag na vendors o maliliit na manininda kumpara sa ibang negosyante, dahil wala itong depenidong lugar na pinagtitindahan o di kaya'y sa tipo ng paninda at higit sa lahat ay ang antas ng kanilang kapital. Ito rin ay bahagi ng kulturang Pinoy na kung tawagin ay sariling sikap. Isang phenomenal na pangyayari bunga ng kawalan ng oportunidad dahil sa matinding kahirapan.
At bago pa man umusbong ang modernong lipunan ay kasabay na sa pag-inog ng kasaysayan ang patuloy na pag-iral ng mga vendors hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang resulta ng kawalan ng oportunidad na ito ay repleksyon lamang ng dumaraming Overseas Filipino Workers (OFW) at patuloy na paglaki ng bilang ng maliliit na manininda. Magkaiba man ng propesyon ngunit iisa ang layunin, ang magkaroon ng regular na trabaho at maayos na pamumuhay. Ito ang obhetibong paliwanag sa pag-iral ng mga vendors saanmang panig ng mundo.
Dahil sa itinulak ng kawalan ng mas magandang pagkakataon, nagtitiis sa matinding sikat ng araw, polusyon at samu't saring peligro ng bangketa't lansangan. Ngunit nagpupumilit naman na maging marangal at mabuhay ng patas kung ikukumpara sa desperadong pamumuhay ng iba. Ito ang tinatawag na mga vendors o maliliit na manininda. At hindi ang makitid na pang-unawa na resulta ito ng simpleng "katigasan lang ng ulo" at "kawalan ng paggalang at sapat na pang-unawa sa batas".
Ito ay malinaw na tinakda ng kalagayan ng lipunan, o mas eksakto, ng di malunasang epidemya ng kahirapan. Katunayan, maging ang dakilang bayani ng masang anakpawis na si Gat Andres Bonifacio na dating nagtitinda ng pamaypay sa Binondo ay saksi sa sumpa ng ganitong mapait na kalagayan.
Street Vendors
... Isang hamon sa paglutas sa kahirapan
Ayon sa isang artikulo sa Phil. Daily Inquirer (Microeconomics and the street vendors):
"It is hard for government regulations to suppress the survival of the poorest of the poor. They will risk jail and confiscation of goods in the name of their next meal. Kapit sa patalim is their only alternative..."
"No one but no one has succeeded in completely getting rid of sidewalk vendors since World War II, not even the MMDA's Bayani Fernando."
"Already, Fernando is starting to fail. The street vendors are slowly coming back as soon as the cops let down their guard. Fernando says he will have no pity for vendors, not even during Christmas. Human survival has tremendous energy."
Isa itong regulatory dilemma sa panig ng gubyerno sapagkat hindi masusugpo ang pagdami ng mga vendors sa lansangan at bangketa hangga't hindi nalulutas ang kahirapan ng Pilipinas. Sapagkat habang may nagugutom ay gagawa at hahanap ng paraan upang mabuhay ang tao lalo na sa isang lipunang hindi sinserong tinutugunan ang pangangailangan ng kanyang mamamayan. Samakatwid, hindi lang regulasyon ang problema kundi isang ganap na social dilemma.
MISSION
Ang MMVA ay magiging bahagi ng pagsusulong tungo sa ganap na pagpawi ng kahirapan para sa isang makatao at pantay-pantay na sistema ng lipunan. Dahil ito ang pundamental na dahilan ng pag-iral bilang mga maliliit na manininda sa lansangan at bangketa. Nais naming magkaroon ng isang lipunang walang pagsasamantala at may mataas na kalidad ng pamumuhay ang bawat isa. Isang progresibong lipunan na nakabatay sa panlipunang hustisya - ito ang aming pangarap.
VISION
Patatagin ang malawak na pagkakaisang lahat ng mga vendors hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas. Magkaroon at kilalanin ang boses sa lipunan bilang isang mahalagang sektor sa ating lipunan, lalo na sa isang ekonomya tulad ng Pilipinas na nakasandig sa tinatawag na microeconomy na walang matatag na built-in domestic economy (malusog na mga industriya). Ibig sabihin, ang mayorya ng mamamayang Pilipino ay nabubuhay sa paraan ng sariling pagsisikap bunga ng kapabayaan ng gubyerno at maling sistema't patakaran nito tulad ng pagsulpot ng manininda sa lahat ng panig ng bansa.
GOALS
- Ipaglaban ang karapatan para sa katiyakan sa sustenableng kabuhayan
- Magkaroon ng matatag na ugnayan sa lahat ng samahan ng mga manininda
- Patuloy na magmulat, mag-organisa at magpakilos
- Lumahok sa pakikibaka para sa pagbabago ng lipunan
- Magkaroon ng isang pambansang organisasyon ng maliliit na manininda sa Pilipinas
STRATEGIES AND TACTICS
- Maglunsad ng mga forum, symposium at discussions sa isyu ng manininda
- Maglunsad ng mga dioalogue mula sa pambansa at lokal na pamahalaan
- Mag-lobby para sa pagbubuo at pagsasabatas ng Magna Carta of Vendors sa Senado at Kongreso
- Maglunsad ng mga pakikibakang masa tungo sa paggigiit ng kahilingan
- Masiglang makipag-ugnayan sa iba't ibang sektor at kilusang pagbabago
- Magkaroon ng makatwirang pagdidisiplina sa hanay ng maliliit na manininda
MMVA Executive Committee
Mr. Pedring Fadrigon - President
Mr. Edwin Roche - Internal Vice President
Ms. Malou Simporios - External Vice President
Ms. Baby Panti - Secretary General
Ms. Gemma Estonillo - Deputy Secretary General
Ms. Nenita Olvina - Treasurer
Ms. Puring Villadolid - Assistant Treasurer
Ms. Zeny Senadora - Auditor
Public Relations Officers:
Mr. Rudy Ladiao - Blumentritt
Ms. Nenita Nuete - Mandaluyong
Ms. Mayeth Escober - Visayas Avenue
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento