Martes, Hulyo 25, 2023

Mabuhay ang mga vendor!

MABUHAY ANG MGA VENDOR!

mabuhay silang maninindang anong sipag
na trabaho't kostumer ang inaatupag
upang kumita, upang buhay ay di hungkag
at naglalako sa maghapon at magdamag

hanggang maubos ang kanilang tinitinda
mga simpleng kakanin, payak na meryenda
upang mabusog kahit paano ang masa
upang buhayin din ang kanilang pamilya

salamat sa mga vendor na nabubuhay
sa trabahong marangal, mabuhay! mabuhay!
sa inyong lahat, taasnoong pagpupugay!
dahil naaalpasan ang gutom at tamlay

mura lang subalit nabubusog na kami
kaya madalas, sa tinda n'yo'y nawiwili
habang naritong nagpapatuloy sa rali
upang sa uri at sa bayan ay magsilbi

- gregoriovbituinjr.
07.25.2023

* litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa SONA, 07.24.2023

Martes, Agosto 30, 2022

Pahayag ng KPML sa ikadalawampung anibersaryo ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)

PAHAYAG NG KPML SA IKA-20 ANIBERSARYO NG METRO MANILA VENDORS ALLIANCE (MMVA)
Agosto 30, 2022

Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pag-alala sa ikadalawampung anibersaryo ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) na nabuo dahil sa matinding pagmamalupit at pagdurog sa maraming manininda sa bangketa (sidewalk vendors) sa pamumuno ni Bayani Fernando, na kilala bilang BF, na noong panahong iyon ay hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Nabuo ang MMVA noong Agosto 30, 2002 sa Delaney Hall ng UP Chapel sa Diliman. Ang unang halal na pangulo nito ay ang namayapang si Ka Pedring Fadrigon, na naging pangulo ng KPML mula 2004 hanggang 2019, at matagal na namuno sa Samahan ng Makabayang Manininda sa Fabella (SAMANA-FA) sa Mandaluyong. 

Sa ngayon, sa patnubay ni Tita Flor Santos, pangulo ng Oriang Women’s Movement, ang MMVA ay naging matatag at patuloy na lumalawak upang ang mga karapatan at kagalingan ng mga vendors ay mapangalagaan at maipaglaban. Ang vendors ay mararangal!

Ang mga vendor o yaong maliliit na manininda sa bangketa na walang pwesto sa palengke ay may karapatang mabuhay ng marangal, tulad ng mga malalaking negosyante at kapitalista. Nabubuhay sila sa pagtitinda upang itaguyod ang kanilang pamilya, makakain ng tatlong beses isang araw, at mapag-aral ang kanilang mga anak. Ang ginawa ni BF ay pagyurak sa kanilang dangal, at paninikluhod sa mga kapitalista at negosyanteng may pwesto sa palengke upang makopo ng mga ito ang pamilihan, habang iniitsapwera ang dukhang pilit pinagkakasya ang karampot na kita sa pagtitinda. Kumbaga, buhay na isang kahig, isang tuka. Karamihan sa vendors ay wala ring maayos na bahay at nakatira sa mga danger zones.

Sa patuloy na pakikibaka ng mga vendor, mula man sa MMVA o hindi, ang KPML ay kasama nila at kapatid sa pakikibaka para sa maayos nilang pagtitinda nang hindi ginagamitan ng dahas. Taas-nooo at taas-kamao kaming nagpupugay sa lahat ng mga manininda, at sa dalawang dekada nang pag-iral ng MMVA! Mabuhay kayo, mga kasama! Tuloy ang laban!

Sabado, Nobyembre 14, 2020

Pahayag ng KPML sa International Street Vendors Day

PAHAYAG NG KPML SA INTERNATIONAL STREET VENDORS DAY
(Pandaigdigang Araw ng Maglalako sa Lansangan)
Nobyembre 14, 2020

Ang ika-14 ng Nobyembre ang araw kung saan ipinagdiriwang ng mga naglalako sa kalsada mula sa iba’t ibang panig ng daigdig mundo ang kanilang pakikibaka at lakas. Dito sa Pilipinas ay naitatag noong Agosto 30, 2002 ang Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) upang labanan ang pagpapalayas sa kanila ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ang unang pangulo ng MMVA ay ang namayapa nang si Ka Pedring Fadrigon na dating pangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Kaya mahigpit na nakikiisa ang KPML sa lahat ng mga naglalako sa kalsada, lalo na yaong walang pwesto o nakikipwesto subalit hahabulin ng mga pulis pag nakita.

Sa ngayon, dapat magkaisa ang lahat ng mga vendor, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa iba’t ibang panig ng mundo, upang igiit at mapagtibay ang ILO convention 190 on the Elimination of Violence and Harassment in the World of Work.

Mahalaga ito para sa mga impormal na manggagawa sa ekonomiya sa buong mundo, dahil ang isang malaking porsyento ng mga nagtitinda sa lansangan at merkado ay patuloy na nakaharap sa lahat ng uri ng panliligalig at karahasan sa kanilang pagtatrabaho araw-araw.

Hinihiling namin ang agarang paghinto ng mga kalupitan at karahasan ng pulisya na ginagawa ng Estado araw-araw laban sa mga vendor, dahil hindi kriminal, kundi marangal na trabaho ang pagtitinda.

* Ang pahayag na ito ay unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Nobyembre 1-15, 2020, pahina 7.

Huwebes, Nobyembre 1, 2018

Maging makatao sa mga vendor

sa pagtrato sa vendor, sana'y maging makatao
at huwag silang itaboy na akala mo'y aso
sila'y maninindang ayaw magutom ang pamilya
nagtatrabahong marangal tumubo man ng barya
sino ba ang may gustong ang bangketa'y maharangan
kung may maayos lamang silang mapagtitindahan
kaya huwag silang tirising parang mga ipis
pagkat nagtatrabaho rin ng patas at malinis
susunod din sa batas, huwag silang dinarahas
nais lamang nila'y makapagtinda ng parehas
makakain ng sapat tatlong beses isang araw
kahit kumayod ng kumayod na tila kalabaw
nawa mga vendor ay protektahan ng gobyerno
kahit vendor sila'y marunong ding magpakatao
- gregbituinjr.

Huwebes, Enero 25, 2018

Solidarity Message sa BMP Congress

MENSAHE NG PAKIKIISA NG METRO MANILA VENDORS ALLIANCE (MMVA) 
SA IKA-8 KONGRESO NG BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

Isang taos-puso at taas-kamaong pakikiisa ang ipinaaabot ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) sa Ikawalong Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)!

Kami, mga sidewalk vendors, kumakatawan sa malaking bilang ng maliliit na manininda sa mga bangketa, ay mahihirap. At dahil sa kahirapang ito, kami ay naobligang sumuong sa isang klase ng hanapbuhay na sa tingin namin ay marangal ngunit karaniwang kami'y hinahabol na para bagang hindi makatao ang pagtitinda. Kung hindi dahil sa kahirapan, hindi kami magtitiis magbilad sa araw at magpuyat sa magdamag, sumuong sa iba't ibang klase ng panganib at pang-aabuso mula sa kamay ng sindikatong pulisya at mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, mapagdugtong lamang ang aming buhay sa araw-araw.

Kung hindi dahil sa kahirapan, sana'y mas marangal naming binubuhay ang aming mga pamilya at sanay nakapag-aambag ng kontribusyon sa pormal nating ekonomya gaya ng iba pa naming kababayan na nakakaangat sa buhay. Ganunpaman, hindi maikakaila ang katotohanan na kung hindi dahil sa impormal na industriyang ito, sana'y mas higit na mabigat ang pasaning problema ng ating bansa. Dahil sa aming bahaging kontribusyon sa tinatawag na underground economy, na ayon sa mga ekonomista, ay kumakatawan sa halos 30% hanggang 40% ng ating Gross Domestic Product (GDP), nagagawang makaraos ng ating ekonomya sa kabila ng malaking kapabayaan ng pamahalaan. Kung hindi sa aming pagtitiis at pagtityaga sa ganitong hanapbuhay, mas lalo sanang lumobo ang unemployment rate sa bansa na sa ngayon ay umaabot na sa limang milyon.

Noong Agosto 30, 2002, kasamang nagtayo sa Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). At kasama namin ang BMP sa aming mga pakikibaka hanggang ngayon. Kaya kaming mga nasa impormal na sektor ay mahigpit na nakikiisa sa mga manggagawang Pilipino sa lahat ng pakikibaka nito para sa isang lipunang makatao.

Nawa'y patuloy tayong magkaisa lalo na't tumitindi ang kalagayang pampulitika sa ating bansa, lalo na ngayong pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa bagong batas na TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion), at samutsari pang problema lalo na ang paglabag sa karapatang pantao.

Mabuhay ang Ikawalong Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)!

- Mula sa pamunuan at mga kasapi ng Metro Manila Vendors Alliance (MMVA)

Miyerkules, Oktubre 11, 2017

Stop evictions in the name of World Cup football!

Taas-noo at taas-kamaong nakikiisa ang mga maralita at manininda mula sa Pilipinas upang ipagtanggol ang mga kapwa vendors at maralita ng India na tatamaan ng ebiksyon sa ngalan ng World Cup football. Ang aming kapwa maralita ay may karapatan ding dapat tamasahin at hindi dapat basta palayasin at itaboy na lamang na parang mga daga. Kailangan ng wastong proseso at igalang ang kanilang karapatang pantao.

We in the Metro Manila Vendors Alliance in the Philippines join the call to:

Stop evictions in the name of World Cup football!

Nasa ibaba ang pahayag ng isang taga-India na dapat nating suportahan, at ating ipakita ang ating suporta sa pamamagitan ng pagbahagi ng pahayag na ito at paglagda sa kanilang petisyon na nasa kawing o link na:



Stop evictions in the name of World Cup football
by sushovan dhar kolkata, India

While FIFA under-17 world cup makes its way to India, the poor around the Vivekananda Yuva-Bharati Krirangan at Kolkata, West Bengal - where a total of 10 matches will be played, including the Final between 8 and 28 of October 2017 – make their way out to accommodate this spectacle.

A huge number of street vendors and hawkers, temporary hutment dwellers and other marginal wage-earners are evicted to "beautify" a vast area around the said stadium. A ruthless demolition of informal settlements and street vendors in the city is being carried out without rehabilitation leading to the extensive displacement of individuals and communities from their homes and habitats. These operations are being conducted by the government through two local municipal bodies namely, Kolkata municipal corporations and Bidhannagar municipal corporations.

The poor and the marginalised of the area are left homeless and destitute, without means of earning livelihood. Since there is no resettlement, people are forced to spend nights under open skies. Consequently it's associated with physical and psychological injuries to those affected with specific impacts on women, children, persons already living in extreme poverty, indigenous peoples, religious minorities and other disadvantaged groups. The number of people getting evicted has already risen up to 100,000, amongst majorities are slum dwellers and street vendors. These expulsions clearly constitute gross human rights violations with dramatically increased rate of magnitudes.

Sign this pledge to demand the government of West Bengal to stop all evictions on the pretext of “beautification” for the FIFA U-17 world cup football.

FIFA claims to adhere to all UN Human Rights Conventions. Even its own Human Rights Policy says “While recognising that land acquisition is primarily the responsibility of the government hosting the respective competition or of the respective member association responsible for the project, FIFA expects and promotes the respect of international human rights standards where land acquisition involves expropriations and in particular where people are resettled in the process." However, the organisation chose to be silent on this large scale displacement.

Sign the pledge to tell FIFA that it must respect its own commitments.

This eviction is also a violation of Street Vendors (Protection of Livelihood and Regulation of Street Vending) Act, 2014 passed in the Indian parliament to protect the livelihood of millions of street vendors and hawkers across the country and various international conventions like CEDAW, ECOSEC, etc. which clearly rules out any eviction.

Sign this pledge to demand proper rehabilitation for all those who are already evicted.

This petition will be delivered to:

FIFA



Martes, Setyembre 13, 2016

Vendors stage funeral march against "illegal clearing"

METRO MANILA VENDORS ALLIANCE
Press Statement
September 13, 2016

VENDORS STAGE FUNERAL MARCH AGAINST "ILLEGAL CLEARING"

QUEZON CITY, PHILIPPINES - Following the illegal clearing operations along Citimall, Philcoa area in this city last Friday, September 9, 2016, which injured a couple of vendors including 76-year old Linda Ramos, vendors belonging to Metro Manila Vendors Alliance-Quezon City Chapter and Sanlakas held a funeral march-themed protest lambasting local government officials for "killing" their livelihoods and means of subsistence.

All clad in black, the vendors marched from the Quezon Memorial Circle to Citimall in what they call an "indignation rally" for the illegal clearing operations being pursued by the Quezon City Government.

"Binigyan kami ng papel na noo'y akala namin ay magandang balita. Yun pala ay Notice of Violation kung saan ay binigyan kami ng 24 oras para umalis sa mga pwesto namin sa kabila na nagbabayad kami ng market fees, sa kabila ng pahintulot na mismo ang siyudad ang nagbigay sa amin. Hindi ba paglapastangan ito sa karapatan namin? Kaming walang-wala na nga ay pagkakaitan pa," decried Mila Ogaoga, leader of the Philcoa vendors.

The Quezon City Market Code of which MMVA was party to its drafting provides for due process when violations are alleged against accredited vendors in the designated vending sites. Vendors found in violation of the same were to be issued prior three prior warning and only after which appropriate actions may be taken. The Philcoa vendors who were subjected to last Fiday's clearing operations were granted a temporary vending site.

On the pretext of implementing a 2002 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Order, the Notice of Violation declares vending illegal. To make matters worse, vendors affected by the clearing operations will be subjected to drug testing. Ganito na lang ba ang pagtrato sa mga manininda? Kikitilin ang kanilang kabuhayan sa kabila ng mga prosesong pinagdaanan para lamang makapwesto, sa isang iglap ay wawalisin at babansagan pang mga adik at snatcher", lamented Flora Santos, coordinator of MMVA.

The clearing operations last Friday was led by Quezon City Councilor Ranulfo Ludovica who justified the action as being sanctioned by Mayor Herbert Bautista.

"We will not allow such assault on the rights and dignity of vendors to go unchallenged. At a time when the Government can hardly provide jobs and livelihoods, depriving vendors their only means of subsistence is decision to deny them their existence. It will be blood on the hands of the Quezon City Government. we call on Mayor Bautista to intervene and put a stop to the violence being forced upon the vendors", concluded Santos.