Sa tulong ng grupong Sanlakas, itinatag ang Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) noong Agosto 30, 2002 sa Unibersidad ng Pilipinas. Napapanahong pagsasama sa panahon ng kawalang hustisya sa manininda. Bilang lagakan ng kasaysayan at paninindigan ng MMVA, nilikha ang blog na ito bilang dedikasyon sa mga magigiting na lider at buong kasapian ng MMVA. Mabuhay ang MMVA! Mabuhay ang mga manininda!
Sabado, Agosto 30, 2014
Lunes, Agosto 25, 2014
Sigaw sa Mendiola at Luneta: Pork Abolition, Hindi Term Extension, Hindi ChaCha!
Sigaw sa Mendiola at Luneta: Pork Abolition, Hindi Term Extension, Hindi ChaCha!
Agosto 25, 2014 - Madaling araw pa lang ng Lunes ay nasa Mendiola na ang mga kasapi ng SANLAKAS, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Piglas-Kabataan, at Teatro Proletaryo. Bandang ikapito ng umaga ay dumating naman ang Partido Lakas ng Masa (PLM).
Sa saliw ng ChaCha, at ng awiting "Kung alam mo lang, Bayan" (rendisyon ng awiting "Kung Alam Mo Lang, Violy" ni Gary Granada), nagsayaw ang mga kasapi ng Teatro Proletaryo sa Mendiola, bandang ikaanim ng umaga. Ito'y bahagi ng kanilang protesta laban sa pork barrel at term extension na balak ni Pangulong Noynoy Aquino kaya nais nitong magkaroon ng ChaCha o Charter Change.
Bandang ikasiyam ng umaga ay nagmartsa na sila patungo sa Quirino Grandstand upang makiisa sa mas malawak na pagtitipon ng sambayanan. Idinaos sa Luneta ang aktibidad na "Stand Up! Sign Up!" o "Manindigan at Lumagda" laban sa pakanang term extension ng pamahalaang Aquino.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)