Biyernes, Hunyo 13, 2014

Mga vendor, nakiisa sa kilos-protesta laban sa katiwalian

MGA VENDOR, NAKIISA SA KILOS-PROTESTA LABAN SA KATIWALIAN

Nakiisa ang grupong Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) sa panawagang ikulong lahat ng sangkot sa porb barrel at mga nangurakot sa kaban ng bayan. Sumama sila sa malawakang kilos-protesta nitong Hunyo 12, 2014, mula sa Plasa Salamanca sa Kalaw Ave., hanggang sa Bonifacio Shrine sa Mehan Garden sa Maynila. Kaunti man sila, kasama ang bulto ng grupong Sanlakas, ang kanilang pakikiisa ay isa nang malaking hakbang tungo sa panawagang totoong pagbabago sa lipunan. Nais din nilang magkaisa ang kanilang sektor upang labanan ang katiwalian sa pamahalaan.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento